September 18, 2025

Continuing engagement with the government: on 4Ps delisting

Patuloy pa ring nakikipag-ugnayan ang SNPP sa National Program Management Office (NPMO) at ng Pantawid at mga regional office sa DSWD. Nakipag-ugnayan ang SNPP sa DSWD at dumalo sa ilang mga pagpupulong upang talakayin ang isyu ng pag-delist ng tukoy na 1.3 milyong benepisyaryo sa programa.

Nagsagawa ang SNPP ng sariling house-to-house validation para sa mga benepisyaryong naka-tag bilang non-poor at nakatalgang mag-exit sa programa. Nakapagkalap ng sumusunod na datos ang SNPP: 2,331 benepisyaryong inirerekomenda ng SNPP na mag-appeal na manatili sa programa; 342 benepisyaryong nagboluntaryo o inirerekomenda ng SNPP na mag-exit na sa programa; at 832 na miyembrong inirerekomenda ng SNPP na maging benepisyaryo ng programa.

Sa pamamagitan ng nakalap na datos at naidokumentong kaso, naiangat ng samahan ang mga isyu at paglilinaw tungkol sa programa ng Pantawid. Patuloy pa ring iniaangat ng samahan sa mga kinaukulang ahensya ang mga benepisyaryong nagkaroon ng problema sa pagtanggap ng grant.

Share: