Core leaders ay dumalo sa deliberation ng House Bill 6060 at RA11310 sa Zoom noong July 7. Nagbahagi ng suporta ang SNPP sa HB 6060 na nagbibigay nang electric utility grant para sa mga benepisyaryo upang mabigyan ng access sa kuryente at paunlarin ang kondisyon ng pamumuhay at mahikayat na magtayo ng negosyo.
Samantala, patuloy pa ring nakikipag-ugnayan ang SNPP sa National Program Management Office (NPMO) ng Pantawid sa DSWD. Sa pamamagitan ng nakalap na datos at naidokumentong kaso, naiangat ng samahan ang mga isyu at paglilinaw tungkol sa programa ng gobyerno sa COVID-19 at ang kinalaman nito sa mga conditionality ng Pantawid. Patuloy pa ring iniaangat ng samahan sa mga kinaukulang ahensya ang mga benepisyaryong nagkaroon ng problema sa pagtanggap ng grant. Nakilahok din ang SNPP sa pagpupulong kasama ang kinatawan ng Inter-Agency Task Force o IATF tungkol sa distribution ng SAP sa mga komunidad.
Maliban dito, nakilahok din ang ilang SNPP leaders sa pagsasagawa ng online survey tungkol sa SAP at mga isyung kinaharap ng mga benepisyaryo na kanilang naiangat sa DSWD at sa Legislative Committee on Poverty Alleviation. May mga sumusunod na lumahok sa survey sa bawat area: Batangas – 1776; Cavite – 7481; Mandaluyong – 42; Rizal – 3656; Mindoro – 3848.