December 7, 2025

SNPP Damayan para sa bayan

Ang SNPP ay nakabuo ng partnership kasama ang Bayanihan Musikahan, ABS-CBN, PBSP, Jollibee Group Foundation, at Telesight Organization upang makapagbahagi ng tulong sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng pandemya at mga nagdaang bagyo. Nanguna ang SNPP leaders sa pagkalap ng datos, pag-distribute ng relief goods, at pakikipag-ugnayan sa mga organizational partners.

Sa pamamagitan nito, may 133,757 na pamilya sa 13 na siyudad/munisipalidad ng NCR, City of San Fernando Pampanga, Bulacan, Tarlac, Rizal, Cavite, Batangas, Cebu, at Alcala, Cagayan ang napamahagian ng frozen meat, isda, gulay, groceries, hot meals, tinapay, at cash assistance.

Share: