Advocacies

Kwentong Quarantine Mula Kay Susana Noche

Home / Advocacies / Kwentong Quarantine Mula Kay Susana Noche

Ang enhanced quarantine na ipinatupad ng gobyerno ay lubhang nagdagdag ng hirap sa mga pamilyang dati nang nakakaraos ng kahirapan,ang aking pamilya ay kabilang sa kumikita ng arawan, namayani ang takot dahil kung magkakasakit pa ang tulad naming mahirap siguro magiging katapusan ng kahirapan upang tuluyan ng makapiling ang lumikha.

Sa ngayon nagpapasalamat ako na ang Pantawid Pamilya Pilipino Program ay hinde huminto, ngunit batid ko na kung gaano karami o mas higit pa sa dami ng bene. Ang bilang din ng mahihirap na hinde naabot ng program sa aming barangay. Sila rin ay nakatakdang magutom kung hinde tutulungan ng ibat ibang level ng pamahalaan, bilang isang bene at core ng SNPP, sa tulong ng aking pamilya nag abot kami ng tulong ng tig-dalawang kilong bigas sa mga tao na alam kung talaga namang nangangailangan din, sinisigurado namin na naka mask kahit mainit ang araw pinuntahan namin kasama ang aking anak at asawa sakay ng amin tricycle, mabilis at sinigurado ang aming mga bibigyan ng tulong, kakaunti man at hinde lahat naabutan pero sinigurado na mararamdaman nila na kami’y magtutulungan, dasal ng lahat ng tulad ko matapos na ang gerang ito.

Mabuhay ka ka-SNPP, Susana Noche!