Ang SNPP ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa Bayanihan Musikahan, ABS-CBN Foundation, Rotary Club of the Philippines, Philippine Business for Social Progress, Jollibee Group Foundation, GCash, Youth Voice para sa humanitarian/relief operations para sa mga pamilyang patuloy na naapektuhan ng pandemya at mga nagdaang kalamidad.
Samantala, patuloy ring nakikipag-ugnayan sa mga organisasyon tulad ng IDEALS, Aral Pilipinas at HPAAC ukol sa mga lokal at national na isyu, at mga adbokasiya ng Samahan tulad ng mga abuso sa karapatang pantao, pagpapatuloy ng edukasyon sa kabila ng pandemya, at pagtulong at hikayat sa komunidad at mga kabataan na magparehistro bilang botante.