
OPISYAL NA PAHAYAG NG SAMAHAN NG NAGKAKAISANG PAMILYA NG PANTAWID
π΅πππππ πππ πππππππππ ππππ ππ πππππ -πππππ πππ π πππππππππππππ ππ ππππππππππππ ππ ππ·π ππ πππ ππππππππππππ. π¨ππ πΊππππππ ππ π΅πππππππππππ π·ππππππππ π·πππππππ (πΊπ΅π·π·) ππ πππππππππ ππ πππππππ ππ ππππ π πππππ ππ ππππππππ ππ ππ·π ππ ππππππππππππ πππππππππππππ ππ πππππππππ ππππ ππ π³πππππππ πΉπππ ππ ππππππππ.
Kalagayan sa kasalukuyan:
Ang Lifeline Rate ay may hiwalay na qualification. Ayon sa RA11552, para makakuha ng diskwento sa kuryente, dapat ang konsumo ng household ay hindi lalampas sa 100 kWh kada buwan at kasama sila sa Listahan ng mga mahihirap na aprubado ng DSWD.
Maraming 4Ps beneficiaries ang hindi qualified – ang mga walang sariling kuntador dahil nangungupahan lang o nakikikabit, may lampas sa 100 kWh ang konsumo dahil 5-7 katao sa isang bahay, mga hindi alam na kailangan mag-apply at magsumite ng requirements sa electric cooperative/municipal office at na-delist sa 4Ps pero nasa Listahanan pa rin.
MALING AKALA NG PUBLIKO. Marami ang nag-aakala na “lahat ng 4Ps libre na sa kuryente” kaya nagdudulot ito ng inggit, pambabatikos, at diskriminasyon sa mga benepisyaryo, kahit marami sa kanila ay nagbabayad pa rin ng buong bill.
Kung kaya, aming pinapahayag ang sumusunod:
1. Hinihiling namin ang mas malinaw na impormasyon mula sa ERC at Distribution Utilities tungkol sa proseso ng pag-apply sa Lifeline Rate para sa mga 4Ps.
2. Nananawagan kami sa DSWD at LGUs na tulungan ang mga 4Ps household sa pag-proseso ng requirements at i-validate kung sino talaga ang pasok sa Lifeline Rate criteria.
3. Hinihiling namin sa publiko na huwag husgahan o ibash ang lahat ng 4Ps beneficiaries. Hindi porket 4Ps member ay awtomatiko nang may diskwento sa kuryente. Hindi lang din 4Ps members ang bahagi ng Lifeline rate program kung hindi pati ang ibang matutukoy na mahihirap na pamilya.
Iginagalang namin ang layunin ng Lifeline Rate na tulungan ang marginalized households. Ngunit dapat maintindihan ng lahat na limitado at may kondisyon ang benepisyong ito. Tama at makatarungang impormasyon, hindi haka-haka.
Tigilan na ang pangmamaliit sa mga mahihirap. #4PsProtektahan
