September 18, 2025

Who is SNPP?

WHO IS SNPP?

The Samahang Nagkakaisang Pamilyang Pantawid or SNPP(Association of the United 4Ps
Families), was launched on November 30, 2016, SNPP or has undertook several significant
activities in past two years to further strengthen their ability to organize their communities,
engage on policy issues and advocacies revolving around CCT program-related issues as a
springboard for civic engagement. It is being supported by Affiliated Network for Social
Accountability in East Asia and Pacific or ANSA-EAP to provide capacity development and
handhold in their efforts to expand membership and engagement in other regions of the
country and to build their capacity, widen their constituency so that they will be positioned
in the longer-term to become a significant force in speaking out on other democracy
challenges as they attempt to hold government accountable for policies and programs that
undermine democratic governance.

VISION

ANG SNPP AY ISANG MALAYANG SAMAHAN NG MGA NAGING AT KASALUKUYANG PARENT
LEADERS AT BENEPISYARYO NG 4PS NA ISINUSULONG ANG KARAPATAN SA SARILING
PAGSASAKAPANGYARIHAN ALINSUNOD SA KARAPATAN NG MGA MALAYA AT RESPONSABLENG
MAMAMAYAN TUNGO SA PAG-AHON SA KAHIRAPAN

MISSION

TUMATAYA SA PAGPAPATUPAD NG 4PS BILANG KINATAWAN AT BOSES NG MGA BENEPISYARYO

GOALS

 (MEMBERSHIP – EXPANSION) PAGPAPALAWAK SA KALIDA AT DAMI NG MIYEMBRO AT LIDERATO
MAGKAROON NG MENTORS AT FACILITATORS SA LIDERATO
 (ADVOCACY & RIGHT) – MAPALAWAG AT MAPALALIM ANG KAMALAYAN NG MIYEMBRO SA
MGA ISYUNG KINAKAHARAP NG BANSA & KARAPATAN NG MAMAMAYAN
 (PROGRAM MONITORING) – BIGYAN NG KWENTA ANG KWENTO AT BIGYAN NG KWENTO ANG
KWENTA – MAGING DALUYAN SA MAAYOS NA IMPLEMENTASYON NG PROGRAMA

Media Training

Naganap ang training tungkol sa Media Training noong July 1, 2022. May 40 na bagong leaders mula sa NCR ang lumahok sa Quezon City upang matuto sa paggamit ng media, lalo na ang social media, sa pagsulong ng mga adbokasiya ng SNPP, kung paano hawakan ang disimpormasyon at fake news, at sa pagpapadaloy ng mga talakayan sa kanilang mga komunidad.

Continuing engagement with the government: on 4Ps delisting

Patuloy pa ring nakikipag-ugnayan ang SNPP sa National Program Management Office (NPMO) at ng Pantawid at mga regional office sa DSWD. Nakipag-ugnayan ang SNPP sa DSWD at dumalo sa ilang mga pagpupulong upang talakayin ang isyu ng pag-delist ng tukoy na 1.3 milyong benepisyaryo sa programa.

Nagsagawa ang SNPP ng sariling house-to-house validation para sa mga benepisyaryong naka-tag bilang non-poor at nakatalgang mag-exit sa programa. Nakapagkalap ng sumusunod na datos ang SNPP: 2,331 benepisyaryong inirerekomenda ng SNPP na mag-appeal na manatili sa programa; 342 benepisyaryong nagboluntaryo o inirerekomenda ng SNPP na mag-exit na sa programa; at 832 na miyembrong inirerekomenda ng SNPP na maging benepisyaryo ng programa.

Sa pamamagitan ng nakalap na datos at naidokumentong kaso, naiangat ng samahan ang mga isyu at paglilinaw tungkol sa programa ng Pantawid. Patuloy pa ring iniaangat ng samahan sa mga kinaukulang ahensya ang mga benepisyaryong nagkaroon ng problema sa pagtanggap ng grant.

Townhall meetings: HR issues, program & org updates

Alinsunod sa mga pangkalusugan at pangkaligtasang patakaran dahil sa pandemya, nagpatuloy pa rin ang mga townhall meetings o pulong bahay talakayin ang human rights, mga isyung nasyonal, at mga concerns tungkol sa programang 4Ps. May kabuuang 6,317 na participants ang dumalo mula Hulyo hanggang Septembre 2022. Nagsimula na rin ang bawat area sa kani-kanilang planning session upang talakayin ang mga isyu at concerns ng mga miyembro ng samahan at 4Ps beneficiaries. Kasama sa pagpaplano ang pagtutukoy ng mga susunod na hakbang at direkson ng SNPP bilang samahan.

Kasalukuyang may kabuuang 46,435 na indibidwal ang dumalo sa mga pulong bahay tungkol sa social, health, political at pang-ekonomiyang mga isyu. Ang mga pagpupulong ay naisagawa sa pamamagitan ng mga pulong bahay. Mayroon nang 651 community human rights advocates ang SNPP.

Townhall meetings: HR issues, voters education, program & org updates

Alinsunod sa mga pangkalusugan at pangkaligtasang patakaran dahil sa pandemya, nagpatuloy pa rin ang mga townhall meetings o pulong bahay talakayin ang human rights, voters education, at mga concerns tungkol sa programang 4Ps. May kabuuang 7,889 na participants ang dumalo mula Abril hanggang Hunyo 2022. Nagsimula na rin ang bawat area sa kani-kanilang planning session upang talakayin ang mga isyu at concerns ng mga miyembro ng samahan at 4Ps beneficiaries. Kasama sa pagpaplano ang pagtutukoy ng mga susunod na hakbang at direkson ng SNPP bilang samahan at ang pagbubuo ng youth arm ng SNPP.

Kasalukuyang may kabuuang 46,245 na indibidwal ang dumalo sa mga pulong bahay tungkol sa social, health, political at pang-ekonomiyang mga isyu. Ang mga pagpupulong ay naisagawa sa pamamagitan ng mga pulong bahay. Mayroon nang 676 community human rights advocates ang SNPP.

Advanced Leadership Training

Naganap ang training tungkol sa Advanced Leadership noong June 2, 2022. May 40 na bagong leaders mula sa NCR, North Luzon at South Luzon ang lumahok sa Quezon City upang matuto kung paano maging epektibong pinuno, mga istilo at kakayahang sa pakikipag-ugnayan, at pananatili ng mabuting dynamics at relasyon sa samahan at sa kanilang komunidad.

Human Rights 101 with IDEALS

Nagkaroon ng training tungkol sa Basic Human Rights o HR 101 noong June 28, 2022. May 40 na bagong leaders mula sa iba’t ibang SNPP areas ang lumahok sa Quezon City. Namuno at nagpadaloy ng pagsasanay ang IDEALS tungkol sa pagpapalalim ng kaalaman sa karapatang pantao, sa batas at paano mag-document ng human rights violations na magagamit sa kanilang mga komunidad.

SNPP x Aral Pilipinas

Nakipag-ugnayan ang SNPP sa Aral Pilipinas para sa pag-aaral tungkol sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng kabataan sa kabila ng pandemya. Isang online survey ang isinagawa na nagkalap ng 9,716 na responses mula sa Metro Manila, Rizal, at Cebu noong October 30 hanggang November 16 2020. Tagumpay na nakakalap ng datos ang pag-aaral mula sa karanasan ng mga magulang sa distance learning at naiangat sa mga kaukulang ahensya.

Noong July 2021, nagsagawa ulit ng ikalawang round ng survey ang SNPP gamit ang paper questionnaire at FB messenger, para kumustahin at makakuha ng sapat na datos mula sa perspektibo ng mga magulang ukol sa remote learning, lalo sa module at online, ngayon pandemya. Nakakalap ng 4,783 na tugon mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Bilang pagsulong sa mga rekomendasyon ayon sa resulta ng survey, nagsagawa ang Samahan ng signature campaign para: dagdag na suporta sa mga bata at pamilyang mahihirap para sa edukasyon ngayong pandemya; at paghahanda para sa unti-unting pagbubukas ng face to face classes sa mga lugar na walang COVID o low-risk. Nakakalap ng mahigit 150,000 lagda ang SNPP.

SNPP Political Education Facilitation Workshop

Nagkaroon ng online training tungkol sa Voters Education Facilitation noong July 20, 2021. May 30 na bagong leaders mula sa iba’t ibang SNPP areas ang lumahok sa Quezon City para sa pagpapalalim ng kaalaman sa halaga ng demokratikong partisipasyon komunidad at pagpapadaloy sa komunidad ng political education.

SNPP partners

Nakikipagtulungan ang SNPP sa iba’t ibang inisyatibo at organisasyon para sa suporta sa adbokasiya, kapasidad, at kinabukasan ng organisasyon, at sa patuloy na pagbibigay ng suporta sa mga pamilyang apektado ng community lockdown at mga kalamidad.

Silipin ang mga gawain at ugnayan dito:

https://www.facebook.com/snppph/videos/262858911421938

Townhall meetings: COVID-19, HR issues, youth registration, voters education

Alinsunod sa mga pangkalusugan at pangkaligtasang patakaran dahil sa pandemya, nagpatuloy pa rin ang mga townhall meetings talakayin ang human rights, COVID-19 vaccine, voters education, youth voters registration, nang may kabuuang 5,175 na participants ang dumalo.

Kasalukuyang may kabuuang 23,325 na indibidwal ang dumalo sa mga pulong bahay tungkol sa social, health, political at pang-ekonomiyang mga isyu. Ang mga pagpupulong ay naisagawa sa pamamagitan ng neighborhood meetings. Mayroon nang 551 community human rights advocates ang SNPP.