January 12, 2026

SNPP x Aral Pilipinas

Nakipag-ugnayan ang SNPP sa Aral Pilipinas para sa pag-aaral tungkol sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng kabataan sa kabila ng pandemya. Isang online survey ang isinagawa na nagkalap ng 9,716 na responses mula sa Metro Manila, Rizal, at Cebu noong October 30 hanggang November 16 2020. Tagumpay na nakakalap ng datos ang pag-aaral mula sa karanasan ng mga magulang sa distance learning at naiangat sa mga kaukulang ahensya.

Noong July 2021, nagsagawa ulit ng ikalawang round ng survey ang SNPP gamit ang paper questionnaire at FB messenger, para kumustahin at makakuha ng sapat na datos mula sa perspektibo ng mga magulang ukol sa remote learning, lalo sa module at online, ngayon pandemya. Nakakalap ng 4,783 na tugon mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Bilang pagsulong sa mga rekomendasyon ayon sa resulta ng survey, nagsagawa ang Samahan ng signature campaign para: dagdag na suporta sa mga bata at pamilyang mahihirap para sa edukasyon ngayong pandemya; at paghahanda para sa unti-unting pagbubukas ng face to face classes sa mga lugar na walang COVID o low-risk. Nakakalap ng mahigit 150,000 lagda ang SNPP.

Share: